nila ay malamang hindi na po kami makapag-aral ng mga kapatid ko at malamang ay nawalan na rin ng trabaho ang mama ko. Kaya maraming-maraming salamat po talaga sir Mike, napakabait niyo pong talaga,” pasasalamat ng bata kay Mike.
“Ganoon ba, walang ano man Juan. Matalik ko kasing kaibigan si George mula pa ng College ako kaya tinulungan ko siya,” sabi nito at sumulyap nang bahagya sa nakangiti ritong si Margaret.
“Tuwang-tuwa po talaga kaming lahat sa ginawa niyong pagtulong kina sir kaya nga po kaming lahat na magkakapatid at saka mga anak ni sir ay pinarangalan po naming kayo,” nakangiting sabi nito kay Mike.
“Ha anong pinarangalan niyo ako?” nagtatakang