“Kumusta ka,” bati ni Margaret dito.
“Mabuti po,” magiliw na sagot nito sa kanya.
“May kailangan ka ba sa akin Juan ha at napasunod ka sa amin ni Margaret ha?” tanong nito sa bata.
“Kwan lang po sir Mike. M-magpapasalamat lang po ako sa inyo,” sabi ng bata kay Mike.
“Talaga, para sa ano naman ang pasasalamatan mo sa akin ha?” magiliw na tanong nito sa bata.
“Tinulungan niyo po kasi si Sir George na tubusin sa pagkakasangla ang mansiong ito at tinulungan niyo rin pong muling makabangon ang papaluging negosyo ng pamilya nila. Maraming maraming salamat po talaga. Si Sir George po kasi ang nagpapaaral sa akin at sa iba ko pa pong mga kapatid. Kung natuluyan na po silang naghirap at nasara ang negosyo