speed boat mo sa may daungan. Pero mas kahanga-hanga at mas maganda pa pala sa malapitan. Papano kayang napunta iyan diyan. Nag-iisa lang talaga siya riyan. Parang binabantayan niya ang buong islang ito mula sa kung sinuman. Napakaganda talaga,” muling ulit na pagpuri niya.
               Biglang napalingon si Mike nang may maramdamang mga yabag sa likuran nila ni Margaret. Nakita nila pareho ang batang si Jess na kasama ni Aling Teodora kanina. Sumunod pala ito sa kanila matapos pumasok sa mansion ang ina nito.
              “O Jess, andiyan ka pala,” salubong ni Mike sa bata.
               Ngumiti ito nang bahagya sa kanilang dalawa. Lumapit pa ito sa kanilang dalawa.