Napakarami ng mga punong niyog doon. Marami rin itong iba’t ibang mga puno sa palibot nito na dumaragdag sa kariktan ng buong isla. Napagandang pagmasdan ng mga hinog na bunga ng mga punong papaya sa palibot. Napansin ni Margaret ang isang napakalaking bato sa isang bahagi ng mababaw na dagat sa dalampasigang nilalakaran nila. Kulay mapusyaw na asul ito.
“Tingan mo nga iyang batong iyan Mike, di ba napakaganda,” sabi niya habang patuloy na pinagmamasdan ito.
“Oo napakaganda nga, siguro nga dalawang beses ang laki sa speed boat ko,” puna nito sa malaki at magandang bato sa mababaw na tubig-dagat.
“Napansin ko na iyan kanina pa ng papalapit na ang