“Sigi po Aling Teodora at marami pong salamat,” sabi ni Mike. Nginitian nito ang batang kasama ni Aling Teodora.
Atubili pero ngumiti rin ang bata pabalik kay Mike at kay Margaret. Ngumiti rin si Margaret sa batang lalaki na lingon ng lingon sa kanilang dalawa habang patuloy na naglalakad kasama ang ina. Nang mawala na sa paningin nila ang dalawa ay muling hinawakan ni Mike ang mga palad ni Margaret.
“Dito na muna tayo at maglakad-lakad Margaret,” sabi nito sa kanya. “Mamaya ay baka maghapunan na tayong dalawa.”
“Sigi Mike,” sagot niya rito.
Nagsimulang libutin ng dalawa ng buong isla.