“Magandang hapon po Ma’am.”
“Magandang hapon din sa iyo,” bati niya dito.
“Ito nga pala ang kasintahan ko si Margaret,” pagpapakilala ni Mike sa bagong dating na babae.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala Ma’am Margaret,” sabi nitong nakatingin at nakangiti sa kanilang dalawa.
“Ako rin po Aling Teodora,”magiliw na sagot niya.
“Papano po sir, hindi ko na po kayo aabalahin pa. Tutuloy na po ako sa kusina at nang maipagluto ko na po kayo ng makakain niyo mamayang gabi,” sabi nito at kaagad na isinama ang batang- lalaking kasama nito papunta sa bahay.