at tiningan ang paparating. Nakita nilang may paparating na isang bangkang de-motor. Kaagad na kinuha ni Margaret ang kanyang hinubad na tank top at jeans sa malapit at muli itong isinuot. Si Mike ay kinuha rin ang kanyang shirt at muling nagbihis.
Ilang saglit lang ay tumigil na ang bangkang-de motor. At may tumulay pababa rito na isang babaeng may edad na at isang mga sampong taong gulang na batang lalaki. Kinawayan sila ng dalawang bagong dating.
“Sir Mike!” tawag ni Teodora kay Mike.
“Aling Teodora!” bati ni Mike sa babae.
Mabilis na naglakad ang dalawang bagong dating papalapit sa kinaroroonan nila.
“Mabuti’t nakarating na pala kayo sir Mike,” sabi nito.