mapupulang labi niya. Marubdob nitong hinalikan si Margaret. Muli siya nitong niyakap nang mahigpit na mahigpit. The feel of her kiss and her embrace was like no other. Margaret’s kiss was his greatest kiss. Habang nakapikit ang mga mata nito ay patuloy nitong inangkin ang matamis na mga labi niya. Lalo pang hinigpitan nito ang mga yakap nito sa malambot niyang katawan.
            Pareho nilang ninamnam ang kaligayahan ng kanilang pag-sasama. Pareho nilang dinama ang init na nagmumula sa mga labi at katawan ng isa’t isa. Biglang may naulanigan si Margaret.
           “Mike, may paparating yata,” sabi niya rito. 
             Kumalas sa pagyakap si Mike at ibinaling ang ulo sa likuran nila sa may dagat. Iniangat ni Margaret ang katawan