at maskuladong bisig nito. Nakatingin lang muli si Margaret kay Mike habang buhat-buhat siya nito. Nang tuluyan na silang makaahon ay kaaagad na nahiga si Mike sa buhanginan. Pinagmasdan nito ang kagandahan ng mukha at katawan ni Margaret.
         Inabot nito ang kamay niya mula sa pagkakahiga nito sa buhanginan. Hinatak siya nito palapit dito. Nahiga si Margaret sa tabi ni Mike. Mula sa pagkakahiga ay puno ng paghangang sinulyapan siya nito sa tabi niya. Nanatili sila sa ganoong ayos sa buhanginan ng mga ilang sandali pagkatapos ay tumagilid ito at muling pinagmasdan ang mukha ni Margaret. Dahan-dahan nitong hinaplos ang malambot at makinis na pisngi niya. Napapikit si Margaret. Ibinaba pa nito ang ulo niya at muli itong hinalikan sa malalambot at