Mike ang lumalangoy para sa kanilang dalawa. Habang nasa ilalim ay banayad silang umikot- ikot papalayo sa dalampasigan. Magaling at malakas lumangoy si Mike at kayang-kaya niyang ilangoy si Margaret ng mag-isa gamit ang kanyang malalakas na hita at mga braso.
Ilang sandali pa ay marahang kinalas nito ang mga bisig ni Margaret sa pagkakayap sa katawan nito at muling lumangoy sa tabi niya. Muli silang lumangoy papunta sa mas malalim pang bahagi ng dagat. Enjoy na enjoy pareho ang dalawa sa kanilang pagswi-swimming na magkasama. Nang sa palagay ni Mike ay sapat na ang ginawa nilang paglangoy ay niyaya na siya nitong bumalik sa dalampasigan.
At ng muli na silang nasa bahagi kung saan ay maari na itong maglakad ay muli nitong binuhat si Margaret sa malaki