siya. Habang nanatili pa ring nakatayo ang matangkad na matangkad na si Mike. Naglakad pa ng mga ilang dipa si Mike hawak-hawak ang isang kamay niya.
             At ng malalim na malalim na ang dagat ay nag-umpisa na rin siyang lumangoy. Lumangoy sila nang lumangoy at makalipas lang ang ilang sandali ay naramdaman niyang niyayakap siya nito sa ilalim niya. Magkadikit ang mga katawang lumangoy silang pareho. Nasa itaas si Margaret at nasa ilalim naman si Mike. Nangingiti si Mike dahil kahit nasa tubig na sila ay nararamdaman pa rin niya ang init na nagmumula sa katawan ni Margaret.
            Nagparaya naman si Margaret hindi siya gumagalaw habang nakayakap siya sa matipunong katawan ni Mike. Si