lover’s carry,” sabi nito at kaagad itong binuhat sa dalawa niyang malalakas na braso.
Nakatingin ito sa mukha niya habang buhat-buhat siya nito. Hindi maiwasang kiligin ni Margaret ng dahan-dahan itong yumuko para mahalikan siya sa labi. Napapikit siya ng maramdaman niya ang mainit na mga labi nitong lumapat sa malambot niyang labi. Margaret once again felt that heat that she felt from Mike’s kiss earlier in her room. Kaagad din itong tumigil. And breathless she stared at him staring at her.
Humakbang pa papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat si Mike. At nang nasa tamang lalim na sila ay maingat nito siyang ibinaba. Kinailangan na niyang lumangoy dahil lampas na ito sa height niya kahit na matangkad rin naman