paghatak ng makisig at matikas na si Mike sa kanya. Ilang hakbang lang naramdaman na ng kanilang mga paa ang malamig at malinis na tubig dagat. Nang nasa katam-tamang lalim na sila ay inilubog nito ang katawan at ang kanyang ulo sa dagat. Kaagad din nitong iniangat ang ulo. Nakayuko itong pinagmamasdan ang mukha ni Margaret sa harapan niya. Lalong lumabas ang kagandahang lalaki nito sa basang buhok nito. He shook his head and some sea water sprinkled on Margaret’s face. Nangiti ito sa ginawa niya. Kaya lumubog din ito sa dagat at kaagad na lumitaw at tumingala dito. She also shook her head and sea water sprinkled on Mike’s face. Natawa rin ito sa ginawa niya. Kaagad itong lumibot sa likuran niya at bumulong sa kanya.
             “Dati napasan na kita, subalit hindi pa kita naila-