ay may natulungan ka ring isang pamilyang nangangailangan.”
                “Oo nga ano,” sabi lang nito. “Ngayon lang ako  nakatanggap ng parangal mula sa mga bata, Margaret. Masarap din pala sa pakiramdam,” sabi lang nito na tumango-tango nang marahan.
          Muli nitong inakbayan si Margaret at muling nagpatuloy sa paglalakad sa buong isla.
          “Ako kaya parangalan din kaya ako ng mga batang estudyante ko… magaling din naman akong teacher sabi ng mga co-teachers ko…” mahinang tanong niya na seryosong nag-iisip. “Kung paparangalan nila ako ano kayang bato ang ipapangalan nila sa akin...”