Nangiti si Mike sa tinuran niya at pinagmasdan ito habang mukhang patuloy na nag-iisip.
“Ano nga kayang bato...” muling ulit niya.
“Malamang… chalk!” mabilis na sagot at biro nito sa kanya. Tumakbo na kaagad si Mike dahil alam na nito ang gagawin ni Margaret sa kanya.
Natutuwang naiinis na hinabol niya ito sa buhanginan. Tatawa-tawang nagpahabol lang si Mike sa kanya. At nang maramdaman nito ang paghampas ng palad niya sa batok nito ay mabilis siya nitong hinawakan sa magkabilang hita niya at pinasan sa likuran nito.
“Ikaw talaga, magtatampo ako uli sa iyo niyan,” nangingiti at medyo kinikilig na sabi lang niya habang nakapulupot ang mga braso sa malapad at malaking katawan