ni Mike. Masaya ang pakiramdam ni Margaret na nayayakap na niya ito bilang isang babae at ito bilang isang lalake. Magkasintahan na sila at hindi na matalik na magkaibigan lamang tulad ng dati.
Tumawa lang ito sa sinabi niya. “Ganoon ba, o sigi para hindi ka na magtampo,” ngiti-ngiting sabi nito na kaagad inabot ang mga labi niya at mabilis na hinalikan ng dalawang beses sa likuran nito. “O ayan nagtatampo ka pa rin ba sa akin ha Margaret?” ngisi-ngising tanong uli nito.
Ngumisi lang din siya dito. “Nagtatampo pa rin...”
Napangisi pa lalo si Mike sa narinig kaya muli siya nitong inabot at hinalikan sa mga labi nang mabilis at paulit-