Subalit ang masasayang alaalang iyon ay lalo pang nagdudulot ng hapdi at sakit sa kanyang puso.
        Kinakailangan niyang magparaya at pakawalan si Mike. Lumuluha ang mga matang tinaggap niya ang katotohanang hinding-hindi na sila magkakatulyan pa ng lalaking pinakamamahal niya. Marahil sa labis na pangungulila, pagdadalamhati, at sa pagod ay nagkasakit si Margaret. Umaga pa lang ay mataas na ang lagnat niya.
        Kinagabihan ay dumating si Mike sa kanilang tahanan. Kumatok ito nang kumatok subalit hindi niya ito pinagbuksan. Nagpunta ito sa harapan ng kanyang kwarto sa kanilang bakuran. Nakabukas pa ang ilaw nito kaya nasisiguro nitong gising pa siya. Sa malakas na boses nito ay