nasasaktan si Mike sa kanyang pag-iwas dito. Sa kanyang kwarto ay tahimik siyang lumuluha at tumatangis sa labis na bigat ng kanyang nararamdaman.
Kahit nasasaktan ay pinipilit niya ang sariling panindigan ang naging pasya niyang hiwalayan ang lalaking pinakamamahal niya. Nag-file na rin si Margaret ng leave sa eskwelahang pinagtuturuan niya para maiwasan niyang makita pa si Mike. Sapagkat ang kanilang pagkikita ay nagdudulot sa kanya ng malabis na pighati dahil batid niyang wala nang katuparan pa ang kanilang pagmamahalan.
Gabi-gabi ay tahimik na umiiyak si Margaret. Hinahanap-hanap niya si Mike sa tabi niya. Parati niyang naalala ang masasaya at punong-puno ng pagmamahalang pagkikita nilang dalawa. Mahal na mahal pa rin niya si Mike.