muli itong nagsumamo na mag-usap silang dalawa.
          Nakatayo itong nakatingala sa kanyang kwarto at naghihintay na dumungaw siya. Biglang umulan nang malakas. Hindi ito natinag at nagpatuloy ito sa pagsusumamo sa kanya na muli silang magkabalikan. "Margaret, harapin mo naman ako... kausapin mo ako..." pagmamakaawa nito sa gitna ng gabi at sa nagngangalit na kulog at kidlat. "Margaret mahal na mahal kita, hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko. Hindi mo na ba ako mahal. Nawala na ba ang pag-ibig mo para sa akin Margaret... maawa ka sa akin Margaret, kausapin mo ako…!"
         Lumuluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan mula sa itaas ng kanyang kwarto sa likod ng kanyang