nakasarang bintana ang pagmamakaawa at pagsusumamo nito sa kanya. Nag-alala na siya dahil kung baka kung anong mangyari dito. Matagal na itong nakababad sa ulan at mukhang nilalamig na ng todo.
        Kaya napilitan na siyang kausapin ito. Binuksan niya ang kanyang bintana. Pumasok kaagad ang malakas na hangin at nabasa na rin siya. Kinausap niya ito sa malakas na boses. "Mike umuwi ka na may pananagutan ka na! Magkakaanak ka na. Mas kailangan ka niya kaysa sa akin. Kaya pakiusap umuwi ka na... pabayaan mo na ako Mike please..."
         "Mahal na mahal kita Margaret... kung mawawala ka sa akin ay wala na ring halaga ang buhay ko..." madamdaming sagot nito. Nanatili itong nakatayo sa gitna nang malakas na