buhos ng ulan.
Nakita niyang napaluhod ito sa kanilang hardin. Umiiyak ito. Lalo pang pumatak ang mga luha niya. Hindi na niya matagalang makita pa ito sa ganoong kahabag-habag na ayos. Nagpasya siyang bumaba at muling kausapin ito. Pagkabukas niya nang pintuan nila ay dahan-dahan niyang nilapitan ang nakaluhod pa rin sa harding si Mike.
Napansin siya nito kaya kaagad itong tumayo at yinakap siya. Yinakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. Lalo pang lumakas ang pagbuhos nang ulan. "Sabi ko nga ba't hindi mo ako matitiis Margaret... mahal mo pa rin ako..."