Hindi siya sumagot. Pinilit niyang hindi na magsalita sa pangamba niyang baka pag ginawa niya iyon ay masabi niyang mahal na mahal pa rin niya ito at nais niya itong muling makasama. Hinayaan lang niyang yakapin siya nito sa pagbabakasakaling maibsan nito ang sakit at pait na dulot ng kanyang pakikipaghiwalay dito. Lumuluha pa rin si Margaret.
"Tayo na ulit hindi ba Margaret... magpapakasal na uli tayo hindi ba..." nagsusumamong tanong nito habang patuloy siya nitong yinayakap.
Subalit hindi pa rin siya sumagot. Patuloy lang ang pagluha niya sa mga bisig nito.