Naramdam nitong nangingig siya sa mga bisig nito. "Mahal na mahal kita Margaret..."
       Huling katagang narinig ni Margaret bago siya nahimatay. Nahimatay si Margaret sa mga bisig ni Mike.
      "Margaret ! Margaret !" lumuluhang sambit nito sa pangalan niya. Subalit nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Kinarga kaagad siya nito at mabilis na itinakbo papunta sa sasakyan nito. Halos liparin na nito ang kahabaan ng kalsada makarating lang kaagad ito sa hospital.
        Nang makarating sila'y kaagad na inasikaso ng mga doktor sa hospital ang wala pa ring malay na si Margaret. Nag-aapoy siya sa lagnat at nagdedeliryo. Sinasambit niya