ang pangalan ni Mike. Luhaang naghintay ito sa labas ng kwarto niya. Alalang-alala at natakot ito na baka tuluyan nang mawala siya rito.
       Napagulhol ito sa kanyang pagkakaupo at sinisi ang sarili sa nangyari sa kanya. "Kasalanan ko to... kasalanan ko to..."
       Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang ama ni Margaret. Nakita kaagad nito si Mike na patuloy na naghihintay pa sa labas ng kwarto niya. Tumabi ito sa pagkakaupo nito. "Patawarin niyo ako Tito..."
         Tinapik lang nito ito at sinabing wala itong kasalanan dahil nagmamahal lang ito.