Nag-isip nang nag-isip si Mike. Hanggang sa tuluyan na siyang makapagpasya.
         Lumabas naman ang doktor na nag-asikaso kay Margaret. Sinabi nitong maayos na ang kalagayan niya at kinakailangan na lang niyang mabantayan at maalagaang mabuti para magtuloy-tuloy ang paggaling niya.
        Tahimik na nagpasalamat nang taimtim si Mike. Kinausap nito ang ama niya. "Tito nakapagpasya na ako. Pakakawalan ko na siya.... palalayain ko na si Margaret..." Pagkatapos ay nakalaglag ang mga balikat na tumayo at umalis. Lumuluha at nasasaktan sa tuluyang pagkawala sa buhay nito ng pinakamamahal nito.