Chapter 12
HINDI na muling nagpakita pa kay Margaret si Mike. Nagpasya siyang sundin na ang kagustuhan nitong panagutan ang pagdadalang-tao ni Esmeralda.
HINDI na muling nagpakita pa kay Margaret si Mike. Nagpasya siyang sundin na ang kagustuhan nitong panagutan ang pagdadalang-tao ni Esmeralda.
Sa bahay na ipinagpatuloy ang pagpapagaling ni Margaret. Napansin nitong hindi na siya nagpupunta sa bahay nito. Nasasaktan pero pinilit nitong tanggapin ito.
Pinuntahan niya si Esmeralda para ipaalam ang kanyang pasyang pakasalan na ito. Tuwang-tuwa kaagad ito sa sinabi niya rito. Habang magkaharap sila sa sala ng tintuluyang apartment nito ay tinapat niya ito na pakakasalan lang niya ito para sa kapakanan ng bata sa sinapupunan nito at dahil na rin ay sa iyon ang kagustuhang gawin niya ng