pinakamamahal niyang si Margaret.
Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya pero kaagad ding kinalma ang sarili. "Pag nakasal na tayo at nagsama nang matagal nakasisiguro akong matutunan mo rin akong mahalin Mike," sabi nito sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa rito. Sapagkat para sa kanya batid niyang wala na siyang pakaiibigin pa kundi si Margaret. Pagkatapos ay sinabi niyang ang Daddy na niya ang bahalang mag-asikaso ng lahat ng kakailanganin nila para sa kanilang kasal.
Napansin nito ang ka-walang gana nito sa pagpapakasal nila. Subalit sinikap nitong tanggapin iyon dahil masaya na