ito na napapayag siya nitong pakasalan ito. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa kanya.
     Sinimulan nang ihanda ang lahat ng kakailanganin nila para sa kanilang pagpapakasal. Mabilis na natapos iyon ng ama niya sa kahilingan na rin niya. Mga isang buwan na lang ang bibilangin at magpapakasal na silang dalawa.
     Nasa kanilang bahay siya at malungkot na nag-iisa at nangungulila kay Margaret nang bigla itong makatanggap ng tawag mula kay Esmeralda. Humagolhol nitong sinabi na dinala sa hospital ang maysakit nitong ina na si Conchita.
     Kaagad namang sumugod siya sa hospital para samahan ito sa pagbabantay rito. Pagkarating na pagkarating niya ay