siyang kumain na muna. Nang mag-umpisang kumain si Mike ay kumain na rin si Margaret. Tahimik lang ang dalawang nagtitinginan habang kumakain. Pagkatapos ay sabay nilang ininom ang mga wine sa kanilang mga baso.
             “Mike, ba’t ba hindi ka nagsasalita diyan, papogi ka lang nang papogi diyan,” biro niya rito.
              Nangiti lang ito sa sinabi niya. Tumayo ito pagkatapos ay lumapit sa likuran ng upuan niya. Marahan niyang hinatak iyon paatras para makatayo siya. Tumayo naman siya at kaagad na humarap dito. Inilakad ni Mike si Margaret nang mga ilang hakbang palapit sa mababaw na dagat. Nakaharap silang dalawa sa dagat na magkahawak ang mga kamay. Tumingala siya sa kalangitan. Kabilugan ng