Margaret ng napakaraming buong bulaklak na rosas. Para siyang nakaupo sa napakagandang pabilog na carpet ng mga mapupulang rosas. Hinanap niyang muli si Mike matapos makaalis ng mga bata. Lumingon siya nang may maramdaman siya sa likuran niya. Naroon si Mike, nakatayo ito sa likuran niya.
           “Mike…” usal niya na nakalingon dito.
            Ngumiti lang ito sa kanya at hinagkan siya ng magaan sa pisngi pagkatapos ay lumipat sa kabilang upuan para maupo. “Mabuti’t nakarating ka Margaret,” sabi lang nito.
            “Ano bang ginagawa natin dito Mike?” tanong niya. Subalit hindi ito sumagot, ngumiti lang ito at senenyasan