Kaagad na inilagay ng mga bata ang lamesa sa harapan ng nakatayong si Margaret. Sinubukan niyang kausapin ang mga ito subalit ngumiti lang ang mga ito sa kanya.
        Nang maisaayos na ng mga bata ang dalawang upuan at pabilog na mesa sa buhanginan ay marahan siyang hinatak ng isa sa mga ito at pinaupo sa isang upuan. Nagpaunlak naman siya. Pagkatapos ay may lumabas pang sampung mga batang pawang nakaputi din ang suot. May dala-dala silang mga basket na punong-puno ng mga mapupulang bulaklak na rosas. Mabilis na mabilis inihulog ng mga bata sa palibot ni Margaret ang mga rosas. Nangingiting pinagmamadan lang niya ang mga ito sa kanilang ginagawa.
        Makalipas ang ilang sandali ay napalibutan na si