kanilang destinasyon. Gabi na ng dumating sila roon. Mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan ay kaagad na hinanap ni Margaret si Mike. Ilinibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar subalit hindi niya ito nakita.
Tinanong niya ang driver kung nasaan si Mike subalit ngumiti lang ito at binuksan ang pintuan para makalabas na siya. Pagkalabas niya ay nagpaalam na kaagad ang driver na ipinadala ni Mike at umalis. Naiwan siyang nakatayo sa may buhanginan.
Maliwanag ang buwan at kita ni Margaret ang karagatan sa harapan niya. Ilang sandali lang ay may lumabas na apat na mga batang puti ang mga polo at pantalon. May buhat-buhat silang lamesang pabilog saka dalawang puting upuan.