Chapter 7

         SA SUMUNOD na isang buwan ay panay na naman ang pagkikita at pagtatagpo ng dalawa at bawat pagkikita nila ay nagbibigay parati sa kanila ng nag-uumapaw na kaligayahan. Habang tumatagal ang kanilang samahan ay mas nagugustuhan at mas minamahal pa nila ang isa't isa.
       Wala ng ibang babae para kay Mike kundi si Margaret at ganoon din ito sa kanya. Muling niyaya ni Mike si Margaret na sumama dito. Pumayag naman kaagad siya. Subalit nang makarating na ang sasakyan nito sa bahay niya ay ang driver lang nito ang nakita niya. Tinanong niya kaagad ang driver kung nasaan si Mike. Sumagot ito na ang bilin lang dito ni Mike ay sunduin siya. Kilala naman niya ang driver ni Mike kaya sumama siya rito.
       Naupo siya sa likuran ng sasakyan ni Mike. Pagkatapos ng mga isang oras na pagbibiyahe ay dumating na sila sa