kanyang mga mata. “Mahal na mahal kita Margaret,” punong-puno ng pagmamahal na sabi nito sa kanya.
        Yumakap muli si Margaret dito at idinikit ang ulo sa dibdib nito. “Mahal na mahal din kita Mike.”
        Napangiti si Mike sa sinabi niya. Ipinagpatuloy nito ang pagyakap sa kanya. Siniguradong mararamdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Ilang sandali pa'y nagpaalam na ito sa kay Margaret. Tumingin naman siya sandali sa mukha nito na tila may ibig sabihin dito. Kaya nangako kaagad itong makikipagkitang muli sa kanya sa susunod na araw. Pangakong nagpangiti sa kanya na nagpangiti rin dito.