pintuan saka sinagot ang tanong niya kanina. “Dito lang sa may labas ng malaking pintuan niyo, hindi pa kasi kita nahahalikan dito eh,” sabi nito at kaagad ngumisi. Napangisi din si Margaret sa tinuran nito.
Itinukod ni Mike ang mga palad sa may pintuan sa gilid ni Margaret at pagkuwa’y bumaba ang mga labi at muling hinalikan nang marubdob na marubdob ang mga labi ni Margaret. Muli nitong pinagsawa ang mga labi nito sa mga labi niya. Pagkalipas ng ilang sandali’y ibinaba nito ang nakatukod na mga palad at muli siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit habang patuloy ang paghalik nito sa kanya. Ilang sandali pa’y tumigil ito sa paghalik at muling sinapo ang magkabilang pisngi niya. Mariing tumitig ito sa