buwan at napakaraming makikislap na mga bituin. "Nagagandahan ka ba sa kalangitan ngayong gabi Margaret?" tanong nito sa kanya.
"Oo napakagandang pagmasdan ng mga ito.," sagot niya rito habang patuloy na nakatingala sa magandang buwan at sa mga makikislap na tala.
Hinawakan pa nito ang isa pa niyang palad para magkaharap sila. Nakayuko ito habang pinagmamasdan ang magandang mukha niya. "Mahal na mahal kita Margaret," punong-puno ng damdaming sabi nito. "Simula nang maging magkasintahan tayo ay naging napakasaya at napakakulay na ng buhay ko Margaret. Ang pag-ibig mo na ang nagbibigay sa akin ng dahilan para gumising sa umaga at ipagpatuloy ang aking mga pagsisikap sa buhay. Ibinigay mo sa akin ang