kaligayahang matagal ko nang pinapangarap na makamtan. Napakasaya kong ngayong kasama na kita, pakiramdam ko'y ako ang  nagmamay-ari ng buong kalangitan." Dahan-dahan itong lumuhod sa harapan niya. Hinalikan nito ang kanyang kaliwang palad. Pagkatapos ay may hinugot sa kanyang bulsa. Isinuot nito iyon sa palasingsingan niya. Napatitig siya sa ginawa nito.
          Bahagyang nagtataka. "Anong ginawa mo Mike?"
          Sumagot naman agad ito. "Isinuot ko sa iyo ang alay kong singsing."
          Nagtaka siyang muli sapagkat wala naman siyang nakitang singsing na isinuot nito sa kanya. "Pero wala akong makitang singsing sa daliri ko Mike?"
          Tumayo kaagad ito mula sa kanyang pagkakaluhod sa