buhanginan. Lumibot ito sa likuran niya saka bahagyang niyapos ang beywang niya. Lumingon at tumingala si Margaret sa mukha nito. Nginitian siya nito. Pagkatapos ay hinawakan ang kaliwang braso niya at itinaas at itinuro sa kalangitan. Ang kanang kamay naman nito ay marahang itinakip sa isa niyang mata. "Itapat mo ang palasingsingang daliri mo sa napakagandang bituin na iyan, Margaret."
Ginawa naman ito ni Margaret. Napangiti agad siya sa namalas niya. Nagmistulang makislap na bato ang maningning na bituin sa hindi nakikitang singsing na inalay nito sa kanya. Napahugot siya ng hangin sa malabis na kariktan nito sa ibabaw ng kanyang palasingsingan.
Habang nakatakip pa rin ang isa nitong palad sa kanang
Habang nakatakip pa rin ang isa nitong palad sa kanang