mata niya ay muli itong nangusap. "Ang kaligayahan ko'y ikaw. Ang lahat ng mga bituing nakikita mo ay akin Margaret.... at ang lahat ng sa akin ay sa iyo..... pakasal ka sa akin Margaret..."
        Napaluha si Margaret nang bahagya sa alay na kasal nito. Parang gustong sumabog ng puso niya sa malabis na kaligayahang nadarama. "Pakasalan mo ako Margaret..."
        Ngumiti siya at bahagyang kinalma ang sarili. Kinalas niya ang palad nitong nakatakip sa mata niya at dahan-dahang lumibot sa likuran nito. Niyapos niya nang bahagya ang beywang ni Mike. Napalingon at napangiti ito sa kanya. Itinaas ni Margaret ang kaliwang kamay niya at itinakip sa kaliwang mata nito. "Pagmasdan mo ang bilog na buwan.