"Anong titik ang nakikita ng kanang mata mo?" marahang tanong niya.
       Bahagyang nagtatakang sumagot si MIke. "Titik O."
       Tinanggal naman ni Margaret ang kaliwang palad sa mata nito at itinaas ang kanang palad niya at itinakip sa kanang mata nito. "Anong titik ang nakikita ng kaliwang mata mo Mike?"
       Nakatanaw at nakatingalang sumagot si Mike. "Titik O." Napahugot kaagad ito ng hangin at napangiti nang dahan-dahang maunawaan nito ang kasagutan niya. "Ang ibig mong sabihin ay..."
       "Mula ng maging magkasintahan tayo ay naging napakaligaya ko na, Mike. Ang makita ka at makasama sa