araw-araw ay siya ng pangarap ng isip at puso ko. Ikaw na ang buwan ko. Ikaw na ang mundo ko. Oo Mike, oo ang sagot ko, pakakasal ako sa iyo..."
Humarap kaagad si Mike sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Pagkatapos ay muling lumingon at tiningala ang napakaliwanag na bilog na buwan. "Tayong dalawa lang sa bago nating mundo. Ikaw lang at ako habang-buhay, magkasama... magkasalo..." Dahan-dahang hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Margaret. Yumuko ito para mahalikan siya. Hinalikan siya nito ng marubdob na marubdob. Matagal na naglapat ang kanilang mga labi. Pinagsawa ni Mike ang sarili nito sa paghalik kay Margaret.