Ilang sandali pa ay may hinugot ito sa bulsa nito. Naramdaman niyang may isinuot ito sa daliri niya. Isa iyong sing-sing. Sinulyapan niya ito sandali at nang mapansin ni Mike na napangiti ito ay muli siya nitong siniil ng maiinit nitong mga halik. Hinigpitan pa ni Mike ang pagyakap kay Margaret. Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan.
Naramdaman na lang niyang binuhat siya nito sa kanyang mga bisig. Nginitian siya nito pagkatapos ay dahan-dahang naglakad papunta sa maganda nitong beach house sa likuran nila.
Nang mabuksan na ni Mike ang bahay ay naglakad itong muli papunta sa kwarto nito. Nakatingala lang siya sa mukha