ni Mike habang buhat-buhat pa rin siya nito sa kanyang mga bisig. Ibinaba siya nito sa gilid ng malaking kama. Nakatayo silang magkaharap, malapit na malapit sa isa’t isa. Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata at pagkatapos ay muli nitong inilapat ang mainit na mga labi nito sa mga labi niya. Muli nitong siniil ng halik si Margaret at ipinadama sa kanya kung gaano kalaki ang pagmamahal nito para sa kanya.
       Kinaumagahan ay halos sabay na nagising sina Mike at Margaret sa magkahiwalay na kwarto sa beach house. Naligo at nagbihis ang dalawa at lumabas ng kwarto. Nagngingitiang nag-almusal ang dalawa.
      Pagkatapos ay pinuntahan nila ang ama ni Mike. Pagkarating na pagkarating nila ay tuwang-tuwang tinaggap ng ama ni Mike ang napakagandang balita. Walang