mapagsidlan ng kaligayahan ng ama nito. Binati ni Don Enrique ang dalawa  para sa nalalapit nilang pagpapakasal.  


       Pagkatapos ay tumuloy naman sina Mike at Margaret sa bahay nilang mag-ama. At gaya ng ama ni Mike tuwang-tuwa rin si Don Jose sa kanilang ibinalita. Wala rin itong mapagsidlan sa malabis na kaligyahang nadarama na sa wakas ay magpapakasal na ang pinakamamahal na anak nitong si Margaret kay Mike. Binati nito ang dalawa para sa kanilang nalalapit na kasal. Nang muli silang magkasarilinan ay nagkasundo sina Mike at Margaret na magkita kinabukasan para pag handaan na ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.