“Siguro naalala mo kong anong suot nating dalawa pareho kapag pinapasan kita dati pa ano?”
             Lalo pa siyang namula sa sinabi nito sa kanya. Walang kaabog-abog ay nagtanggal ito ng t-shirt pagkatapos ay dahan-dahan nitong hinubad ang belt nito. Tumalikod kaagad si Margaret. Natawa kaagad ito sa inasal niya.
             “O ba’t tumatalikod ka diyan, maraming beses mo naman akong nakitang naka-pantalon lang dati pa ah,” sabi nito sa kanya. “Saka maraming beses na rin kitang nakitang naka-bathing suit.”
              Subalit nanatili pa rin siyang nakatalikod dito. Kaya hinatak siya nito at pinaharap sa kanya. Napilitan siyang pagmasdan ito. Napatitig siya sa malaki at malapad na katawan nito. Sa tanda niya ay lalong gumanda pa ang