ako sa kagustuhan mo, kasi ayokong magtampo ka sa akin,” muling pag-alala nito.
“Kaya naman ikaw ang pinakapaborito kong kaibigan magmula pa noon.”
“Ganoon din naman ako syempre, ikaw din ang pinakapaborito ko.” Tumigil sila sa paglalakad ng mga ilang dipa na lang ang layo nila mula sa mababaw na tubig-dagat. Linanghap nila ang preskong simoy ng hangin na nagmumula sa laot.
“Naalala mo bang parati kitang pinapasan noon sa likuran ko Margaret?” tanong nito sa kanya.
Namula siya nang bahagya. Napansin siya nito. Napangiti ito.
“Ba’t namumula ka diyan ha?” tanong kaagad nito.