niya rito.
“Buti naman naalala mong guapong guapo na ako magmula pa noon,” pabirong sagot nito sa kanya. Inakbayan siya nito at dahan-dahang inilakad papalabas ng malaking mansion. Dinaanan nilang muli ang malaking hardin. Nagpatuloy silang maglakad at pagkalipas ng ilang sandali ay natanaw na nila ang dalampasigan. Napakaputi at napakapino ng buhangin nito.
“Simula ng mga bata pa tayo ay parati na tayong naglalakad at naglalaro sa dalampasigan Margaret,” pag-papaalala nito sa kanya.
“Oo nga, parati mo akong sinasamahan tuwing magyaya ako sa iyo,” sagot naman niya.
“Oo nga kahit pagod nga ako ay pumapayag pa rin