katawan nito. Mas lumaki pa ang mga muscles nito sa kanyang mga braso at sa iba pang bahagi ng katawan nito. Subalit ang mukha nito ay hindi pa rin nagbabago. Mike was strong jawed and had a penetrating eyes. Gustong-gusto pa rin niya ang matangos na ilong nito na hindi niya maiwasang titigan mula pa ng mga bata sila. Gustong-gusto niyang pinipisil ang ilong nito pag natutuwa siya dito.
“Ikaw hindi mo ba ipapakita sa akin ang bathing suit mo ha?” tanong nito sa kanya.
“Tumalikod ka muna,” nangingiti at medyo kinikilig sa kakisigan nitong sagot niya.
“Talaga, o sigi,” sabi nito na inayos pa ang tindig nang mahalatang kinikilig si Margaret sa porma at kakisigan nito.