itim na sunglasses. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito dahil sa suot-suot nitong puting baseball cap ay napansin niyang nginitian siya nito.
Pinangiti lang niya nang bahagya ang mata niya rito pagkatapos ay muling bumaling sa harapan. Huminga siya muli nang malalim at linanghap ang sariwang hangin sa malawak na karagatan. Nagpatuloy sa paglalayag ang napakaganda at napakalaking yate. Pagkalipas ng ilang sandali ay napansin niyang bahagyang bumagal ang takbo ng yate.
Naging mas komportable siya sa mas mabagal na takbo nito kaya dahan-dahan siyang tumayo at naglakad sa pinakaunahan at dulo ng yate. Nasa pinakadulo at