pantalan.
        Lalong lumakas ang hanging dumadampi sa pisngi ni Margaret. Kusang lumipad ang maganda at malambot niyang buhok. Nagtataka siya na sa kabila ng kanyang pinagdaraan ay napakapanatag niya sa gitna ng laot. Ngumiti lang siya at patuloy na pinagmasdan ang karagatan at ang mga naggagandahang mga islang dinaraanan nila.
       Nakita rin niya ang maraming mga ibon na lumilipad sa kalangitan na tila humahabol at nakikipagkarera sa sinasakyan niyang yate. Lumingon siya. Nakita niya sa likuran niya ang isang lalaking nakatayo sa itaas at nagmamaneho. Marahil ay iyon ang kapitan ng yateng ito, pagtataya niya. Napansin niyang nakasuot ito ng malaking